0






ADVERTISEMENT





MAGUINDANAO - Sa bisa ng 15 search warrant, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), militar at pulis ang siyam na bahay sa Barangay Katuli sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao Lunes.
Apat na lalaki at tatlong babae na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug group ang arestado sa operasyon.
Nakumpiska ang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng isang M-16 rifle, isang M-14 rifle, dalawang Thompson submachine gun, isang calibre .45 na baril, isang 9-mm pistol at halos 200 assorted ammunition.
Nasamsam rin ang 240 na maliliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 60 gramo at nagkakahalaga ng P150,000.

SPONSOR





Ayon sa PDEA, mahigit isang taon ang ginawa nilang surveillance sa lugar bago inilunsad ang operasyon.
Inaalam na rin ng PDEA kung bakit armado ang mga suspek ng matataas na kalibre ng armas.
Ito na ang ika-siyam na high impact operation ng PDEA-ARMM ngayong taon.
Ayon sa PDEA-ARMM, magpapatuloy ang kanilang operasyon hangga't mayroon pa ring sangkot sa bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Source: #http://news.abs-cbn.com/news/05/22/17/mga-armas-droga-nasamsam-sa-maguindanao
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte Hot News
© Duterte Hot News
Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top